Para Sa Aking Ama

Saturday, June 20, 2009

Para Sa Aking Ama

Tulang inihahandog ko sa nagiisang Ama ng buhay ko.

I love you daddy.

Haligi
By: Mary

Ika’y nagsilbing haligi ng aming tahanan,
Nangibang-bayan para kami’y makapag-aral,
Nagsumikap ng magkaroon ng magandang tahanan,
Nagtiis ng ilan taon bago kami makapisan.

Naging halimbawa at laging patnubay,
Hindi nagkulang sa mga pangaral,
Naging mabuting kabiyak sa aking ina,
Na hanggang ngayo’y aking ikinasisiya.

Ilang taon ang lumipas at hindi ka naging pabaya,
Na kung minsan sa panahong tayo’y walang-wala,
Naging masipag at mapagmahal ka,
Maka-Diyos at matulungin pa.

Kaya kami'y nagpapasalamat sa iyo,
Sa lahat ng paghihirap na inialay mo,
Nawa'y pagpalain ka pa,
At gabayan ng Diyos na Lumikha.

O’ Ama wala na ata akong mahihiling pa,
Kung hindi patnubayan mo po siya,
Bigyan ng malusog na pangangatawan,
At makasama pa ng matagal.

"Happy Father's Day!"
Mahal ka namin, Daddy.


~~~000~~~


At para sa lahat ng mga ama, tatay, father, daddy, papa, dad... sa buong mundo... lalo na sa mga amang OFWs na nagsakripisyo ng matindi para sa kanilang mga anak, para sa amin...

Salamat sa hindi matatawarang pagmamahal.

3 had something to say:

pamatayhomesick said...

taas ang kamay ko sa tulang haligi!

Maryhadalittlehump said...

@Everlito: Maraming Salamat Po!

Anonymous said...

snaps for mary! kisses for our fathers! ^^

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...